Mahigit sa tatlong dosenang manggagawang Pilipino na kabilang sa pagtayo ng mga estadyum sa Qatar, na nagkakahalaga ng ilang bilyong dolyar at kung saan naganap ang nakaraang World Cup, ay nagdemanda laban sa kompanyang naka-base sa Estados Unidos na syang namahala sa konstruksyon ng proyekto. Anila’y lumabag sa batas ang nasabing kumpanya laban sa iligal na pag pupuslit ng mga manggagawa at malayang nakilahok sa isang mapang-abusong kalakaran.
Ang reklamo na inihain noong Huwebes sa isang korte sa distrito ng Denver sa Estados Unidos, ay nagsasalaysay na ang kumpanyang pang konstruksiyon na nag ngangalang Jacobs Solutions at ang kaugnay na mga sangay nito ay di umano’y kumita sa iligal na pamamaraan mula sa nasabing proyekto na isang dekada ang itinagal bago maitaguyod. Ang kumpanya di umano ay sangkot sa iligal na pamumuslit ng mga manggagawa at pwersahang pag papatrabaho sa mga ito upang mapatayo lamang ang mga pasilidad ng nasabing proyekto.